Dear Cong. Liza Maza,
Ako po ay isang ina at maybahay. Tatlo po ang aking anak. Ang aking asawa ay may trabaho at laging nag-o-overtime. madalas mainit ang ulo nya at lagi kaming nagtatalo. Kadalasan sa aming pagtatalo ay madalas humahantong sa pang-aabuso at pisikal na pananakit. Madalas ay nadadamay ang aming mga anak sa kanya pananakit. Kaya nagdesisyon akong lisanin ang aming bahay at iwan ang aking asawa kasama ang aking mga anak. Tumutuloy kami ngayon sa aking magulang at lagi akong binabantaan ng aking asawa. Ayaw ko na siyang balikan at gusto kong humingi ng tulong sa inyo. Ano po ba ang gagawin ko upang makahingi ng proteksyon sa pananakit at pagbabanta ng aking abusadong asawa.
Maraming salamat po.
Loreta
Advice:
Dear Loreta,
Batay sa RA 9262, o Anti Violence Against Women and Children Act, sa kagyat ay maari mong ipa-blotter at pwede kang magfile ng Baranggay Protection Order upang hindi ka gamabalain at pagbanta ng iyong asawa. Ganunpaman, maari mong ituloy ang kaso sa bisa ng sinumpaang salaysay na maari mong isampa sa Women's Desk ng pinakamalapit ng PNP Station.
Makakatulong din na humingi ng propesyunal na tulong mula sa isang psychologist para i-counsel ka at ang inyong mga anak upang makaagapay sa mga karahasang sinapit ninyo.
Maari ka ding sumangguni sa teksto ng batas: http://lizamaza.com/sites/default/files/RA09262.pdf
Nagmamahal,
Liza Maza